BULONG-BULONGAN
Koro:
Bulong-bulongan
Alingawngaw sa lansangan
Balitaktakan, balitaan
Ano bang bagong napag-alaman
Grupo 1:
‘Tong kumpare ng pinsan ng kaibigan ni Juan
Tatlong buwan na ring nakaratay sa higaan
Sa palagay ng marami, siya’y pinarurusahan
Babaeng anak, aba’y ibang kinakasama
Ha ha ha ha ha ha ha ha!
Grupo 2:
Walang tatalo sa ‘king bagong balita
Tatlong bata, tatlong ama, iisang ina
Sa bayan Pisidia sila unang tumira
Ngayo’y nandito na’t nakatira sa kabilang kalsada
Ha ha ha ha ha ha ha ha!
Koro:
Ha ha ha ha ha ha ha ha ha ha!
Ha ha ha ha ha ha ha ha ha ha!
Grupo 3:
Wala na sigurong mas titindi pa
Pakinggan niyo ako sa aking ibabalita
Pinagbabato ang kilala ng lahat na puta
Aba’y sinipingan daw ang punong Levita!
Ha ha ha ha ha ha ha ha!
Tao1:
O heto naman sa akin, bagong sagap pa
Si Santiagong manggagawa, diyan sa kabilang sapa
Nakakadiring sakit daw niya’y nakakahawa
Ang tanong: kanino ito nakuha?
Kanino ito nakuha?
Ha ha ha ha ha ha ha ha!
Tao 2:
Oy mga katoto, heto ang bagong balita!
Ang kasintahan ni Joseng anak ni Anang si Maria
Di ba’t kailan lang, sila’y pinagkasundo na
Nalaman ng pamilya, aba’y buntis na!
Koro:
E ano naman pala
Sila’y pinagkasundo na! Aha!
Tao 2:
Aha, aha, aha, pakinggan niyo ito, ito ang buong kuwento!
Hindi raw kilala, kung sino ang Ama
Hindi daw si Jose, hindi daw si Jose,
Koro:
Hindi daw si Jose,
Hindi daw si Joseng manggagawa ang ama!
Ha ha ha ha ha ha ha ha!
Bulong…..
Wednesday, February 14, 2007
PAG-ISAHIN Lyrics
PAG-ISAHIN
Jose:
Pangako ba’y kailangang bigkasin
Kung pag-ibig ang sandalan natin
Nais ko sanang ako’y iyong dinggin
Habang ako’y nairto, huwag maninimdim
Mirriam:
Batid ko na ika’y lihim na nagdusa
Kaya’t buong galak tatanggapin ka
Kung para sa iyo buhay ang iaalay
Ito'y buong puso kong ibibigay
Jose:
Ikaw ang nagbigay kahulugan
Mirriam:
Ika’y mananatili sa ‘king puso
Jose:
Di alam ang gagawin kung ika’y mamamaalam
Mirriam:
Papawiin ang lahat ng lungkot sa buhay mo
Jose:
Alay mong buhay buong pusong tatanggapin
Mirriam:
Ang dasal ko sa Poon sana’y di magbago
Jose:
At sana’y huwag mo akong limutin
Mirriam:
Dahil wala nang mahahanap pang ibang tulad mo
Jose at Mirriam:
Sana tugunan itong aming dasal
Bantayan po sana pag-iibigang banal
Gabayan ang bawat yapak na gagawin
Nang lahat ng gawin ay ayon sa inyong bilin.
Jose:
Pangako ba’y kailangang bigkasin
Kung pag-ibig ang sandalan natin
Nais ko sanang ako’y iyong dinggin
Habang ako’y nairto, huwag maninimdim
Mirriam:
Batid ko na ika’y lihim na nagdusa
Kaya’t buong galak tatanggapin ka
Kung para sa iyo buhay ang iaalay
Ito'y buong puso kong ibibigay
Jose:
Ikaw ang nagbigay kahulugan
Mirriam:
Ika’y mananatili sa ‘king puso
Jose:
Di alam ang gagawin kung ika’y mamamaalam
Mirriam:
Papawiin ang lahat ng lungkot sa buhay mo
Jose:
Alay mong buhay buong pusong tatanggapin
Mirriam:
Ang dasal ko sa Poon sana’y di magbago
Jose:
At sana’y huwag mo akong limutin
Mirriam:
Dahil wala nang mahahanap pang ibang tulad mo
Jose at Mirriam:
Sana tugunan itong aming dasal
Bantayan po sana pag-iibigang banal
Gabayan ang bawat yapak na gagawin
Nang lahat ng gawin ay ayon sa inyong bilin.
USHAFTEM MAYIM Lyrics
Ushaftem mayim besason
Me mahaine ha yeshuah
Mayim, mayim, besason
Mayim, mayim, besason
Yade adonai levav kem
Hu ezarkem tamid
Naway pag-isahin ang inyong puso
Ng Bathalang laging karamay niyo
At sa pag-iibigan ninyo
Makita ng bawat tao
Ang Tipanang ginawa
ng Diyos nating Dinadakila
Me mahaine ha yeshuah
Mayim, mayim, besason
Mayim, mayim, besason
Yade adonai levav kem
Hu ezarkem tamid
Naway pag-isahin ang inyong puso
Ng Bathalang laging karamay niyo
At sa pag-iibigan ninyo
Makita ng bawat tao
Ang Tipanang ginawa
ng Diyos nating Dinadakila
WATCH OUT fo the release of - AMA, THE MUSICAL, CD musical recording release
12 original compositions including
1. Ushaftem Mayim
2. Pag-isahin
3. Bulung-bulungan
4. Pagtatapat
5. Bituin - (P. Tugs de Guzman)
6. Luwahati sa Diyos (P. Richard Eleazar)
7. Hustisya o Awa
8. Anong Naghihintay?
9. Dasal
10. Pamana
11. Ama
12. Jose
1. Ushaftem Mayim
2. Pag-isahin
3. Bulung-bulungan
4. Pagtatapat
5. Bituin - (P. Tugs de Guzman)
6. Luwahati sa Diyos (P. Richard Eleazar)
7. Hustisya o Awa
8. Anong Naghihintay?
9. Dasal
10. Pamana
11. Ama
12. Jose
AMA The Musical
San Pablo Major Seminary of Baguio City is proud to present:
AMA
isang dulawit halaw sa buhay ni Jose na Ama ni Jesus
Ama is a musical play based on the life of JOSEPH, husband of Mary, and father of Jesus. Written and directed by Fr. Francisco Gius Garcia, with original compositions of and musical direction by award-winning composer Sem. Marc Bryan Adona, the play features the seminarians of San Pablo Seminary.
The play's executive producer is Fr. Adalbert Barut, the rector of San Pablo Major Seminary.
The play will be staged at the Saint Louis Univerisity, Center for Culture and the Arts (CCA) Theater in Baguio City on February 19, 20, and 21, 2007 at 3:00 and 7:30 PM. Tickets are at 50 pesos for the 3 pm matinee shows, 100 pesos for the 730 pm gala show of the 19th and the 21st and 200 pesos for the grand gala evening show on the 20th.
PLEASE COME AND WATCH
Subscribe to:
Posts (Atom)